Iminungkahi ng Department of Finance sa Duterte Administration na ibaba ang Income Tax at itaas ang singil sa Value Added Tax o VAT.
Kabilang sa mungkahi ng papaalis na liderato ni Finance Secretary Cesar Purisima sa kanilang Comprehensive Tax Reform Program o CTRP ay ibaba ang individual at corporate income tax mula sa 32 percent ay gawing 25 percent, ilibre sa income tax ang Labing Isang Milyong wage earners, fiscal incentives rationalization at index excise taxes sa gas at diesel.
Inirekomenda rin ng Finance Department na itaas ang VAT mula sa kasalukuyang 12% at gawin itong 14%; at alisin ang exemptions at palitan ng direct subsidy.
naniniwala ang DOF na mas magkakaroon ng laban ang ekonomiya ng Pilipinas sa harap ng Asean Integration kapag ibinaba ang individual income tax.
Ang gagawin namang pagtaas sa singil sa VAT at pagpapalit ng subsidiya sa halip na exemption ay magpapasok naman ng kita sa pamahalaan ng umaabot sa 162-billion Pesos.
By: Meann Tanbio