Hindi pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng tuition fee ang maraming pribadong kolehiyo at unibersidad ngayong pasukan.
Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, sa susunod na linggo pa nila maisasaoinal ang listahan ng mga paaralang papayagang magtaas ng tuition fee.
Ngunit sinisiguro ni Vitriolo na mas kakaunti ang pinayagan ngayong taon kumpara sa 313 na mga higher education institution na pinahintulutang magtaas noong nakaraang taon.
Umabot aniya sa 400 mga paaralan ang naghain ng petisyon para magtaas ng singil sa tuition fee at iba pang singilin ngayong taon.
By Rianne Briones