Tiniyak ni Senador Koko Pimentel, co-chair ng joint canvassing committee na maipoproklama na sa susunod na linggo ang mga nanalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Ayon kay Pimentel mabilis naman ang pagka-canvass ng mga boto kayat inaasahang makakapagprokalama na ang Kongreso ng mga nanalo sa Mayo 31 o Hunyo 1, mga araw ng Martes o Miyerkules.
Sa ngayon ay nasa 113 mula sa 165 certificate of canvass na ang naita-tally ng National Board of Canvassers.
Katumbas ito ng 40 milyong mga boto para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
By Ralph Obina