Tatalakayin na ng Korte Suprema ang hirit na house arrest ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinasabing ito’y gagawin ng mga mahistrado sa Martes, Mayo 31 matapos ang isang buwang “decision-writing recess” ng mataas na hukuman.
Una nang hiniling ng kampo ni Arroyo na isailalim na lamang ito sa house arrest habang dinidinig ang kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan.
Si GMA ay ilang taon na ring naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City dahil sa umano’y sakit sa buto.
By Jelbert Perdez