Tumataas pa ang bilang ng mga volunteers na makikibahagi sa taunang Brigada Eskuwela ngayong taon
Ipinagmalaki ito ng Department of Education bilang tugon sa kanilang panawagan sa publiko na makilahok sa kanilang taunang kampanya
Ayon kay Education Undersecretary Mario Derequito, pumalo na sa mahigit Tatlumput Pitong Milyong Volunteers na ang nakibahagi mula nuong 2011
Dagdag pa ni Derequito, aabot sa halos Labindalawang Bilyong Pisong halaga ng mga donasyon in kind ang kanilang natanggap
By: Jaymark Dagala