Tatalakayin na ng Korte Suprema sa darating na Martes, ika-31 ng Mayo ang hirit na House Arrest ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo
Ito’y makaraan ang isang buwang decision writing recess matapos ang kanilang en Banc session sa Baguio City
Magugunitang una nang hiniling ng kampo ni Ginang Arroyo na mapasailalim sa house arrest habang dinirinig pa ang kasong plunder na isinampa laban sa kaniya hinggil sa umano’y paglustay sa mahigit Tatlong Daang Milyong intellegence fund ng PCSO.
Kasalukuyang naka-hospital arrest ang dating Punong Ehekutibo sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC habang sumasailalim sa gamutan sanhi ng kaniyang sakit sa gulugod.
By: Jaymark Dagala