Bukas ang Malakanyang sa plano nila Incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at ng Intergrated Bar of the Philippines o IBP.
Ito’y para imbestigahan si Pangulong Noynoy Aquino pagbaba nito sa puwesto kaugnay sa pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, karapatan nila Aguirre at IBP na magsagawa ng anumang imbestigasyon.
Ngunit nananatili ang kumpiyansa ni Coloma na wala silang maibubutas sa Pangulo dahil may naging kapasyahan na rito ang Korte Suprema.
Aniya, sinunod naman ng Pangulo ang nakatadhana sa Saligang Batas at kinilala rin ng High Tribunal sa desisyon nito ang Presumption of Regularity sa pagpapatupad ng programa.
By: Jaymark Dagala