Hindi naman tututulan ng kampo ni Incoming Vice President Leni Robredo ang plano ni Senador Bongbong Marcos na maghain ng protesta sa Presidential Electoral Tribunal o PET.
Ito’y makaraang ihayag ng kampo ni Marcos na napagkaitan umano sila ng halos Apat na Milyong undervotes para sa pagka-pangalawang Pangulo
Sa panayam ng DWIZ kay Senador Bam Aquino, campaign manager ni Robredo, sinabi nito na kumpiyansa silang hindi na mababago ng mga sinasabi ni Marcos ang resulta ng nagdaang halalan
Binigyang diin ng Senador na ang mga lugar kung saan nakita ng kampo ni Marcos ang mga umano’y undervotes ay ang mga lugar kung saan malakas si Robredo.
By: Jaymark Dagala