Muli na namang magkakasa ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 ang itataas sa kada litro ng gasoline.
Nasa P0.50 hanggang P0.60 naman ang nagbabadyang taas presyo sa kada litro ng kerosene.
Habang nasa P0.30 hanggang P0.40 naman ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Ito na ang ikatlong sunod na pagpapatupad ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis mula nang limitahan ng mga oil producing countries ang paglalabas ng kanilang suplay sa World Market.
By Jaymark Dagala