Aminado ang Commission on Higher Education o CHED na kulang ang mga job vacancy para sa mga bagong college graduate ngayong taon.
Ayon sa CHED, mula sa 700,000 bagong graduate ay 70,000 lamang ang job openings para sa kanila at karamihang requirement sa mga naturang trabaho ay hindi na kailangan ng college degree.
Dahil dito, posibleng lalong lumaki ang bilang ng mga job mismatch kaya’t kinalampag ng komisyon ang gobyerno upang lumikha ng mas maraming trabaho.
Kabilang sa mga in-demand na trabahong tinukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay call center agents, customer service assistants, production o factory worker at service crew.
By Drew Nacino