Labing limang (15) senador na ang nagbigay ng commitment kay Senador Alan Peter Cayetano at ilan naman ay pumirma na sa resolusyon para makabuo ng majority coalition at para na rin sa hinahangad na pagiging senate president.
Sinabi ni Cayetano na kung ngayon magbobotohan sa pagka-pinuno ng senado, mayroon na siyang higit pa sa kinakailangang bilang.
Ayon kay Cayetano, isang taon siyang magsisilbing senate president bago maging DFA Secretary.
Pinagtatalunan sa ngayon kung sinu-sino ang hahawak sa ilang committee chairmanship tulad ng Senate Public Order Committee.
on Duterte
Pagiging simple at hindi magarbo.
Ito naman ayon kay Senador Alan Peter Cayetano ang sumisimbolo sa pasya ni incoming President Rodrigo Duterte na huwag dumalo sa kanyang proklamasyon sa Batasang Pambansa ngayong hapon matapos ang May 9 elections.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)