Pinawi ni Incoming President Rodrigo Duterte ang pangamba ng taumbayan na baka may mangyaring masama sa kanya matapos na tumangging magkaroon ng maraming security escorts.
Ayon kay Duterte, hindi niya maaaring makasabay ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) kung uuwi siya mula Manila hanggang Davao araw-araw.
Wala umanong ibang makakasama ang Incoming President sa kanyang Commercial Flight kung hindi ang kanyang Executive Assistant lamang na si Bong Go o ibang staff.
Matatandaan na nagbago ang isip ni Duterte matapos ipaliwanag ng PSG Chief na kailangan nilang gawin ang pagbabantay sa opisyal dahil nakasaad ito sa batas.
Nakiusap naman ang Incoming President sa PSG na huwag pigilan ang mga tao na yumakap at magpa-selfie sa kanya lalo na’t kung masaya ito sa kanilang ginagawa.
By: Mariboy Ysibido