Walang plano si Incoming Vice President Leni Robredo na mag opisina sa Coconut Palace dahil masyado aniyang mahal ang renta rito
Sinabi ni Robredo na masyadong mahal ang Limang Daang Libong Pisong renta sa Coconut Palace kayat nagsimula na aniya siyang maghanap ng mas murang office space
Ayon kay Robredo, gagastusin na lamang niya sa mga satellite office sa mga probinsya ang aniya’y napakalaking renta sa Coconut Palace
Posible aniyang hilingin nilang magkaruon ng isang Transition Team ng Office of the Vice President para i-lead sila kung ano ang dapat.
By: Judith Larino