Nagbabala ang Ecowaste Coalition laban sa paggamit ng lead based paints o pintura sa pag aayos sa mga paaralan.
Sa gitna na rin ito nang pagsisimula ng Brigada Eskuwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa June 13 .
Bilang bahagi ng “Project Protect” katuwang ng grupo ang mga guro at estudyante ng Sto. Cristo Elementary School sa Quezon City ang paglalagay ng mga banner kung saan nakasaad ang mga katagang “Choose lead safe paint”, “Lead free school” at “Get the lead out”.
Ayon kay Project Protect Coordinator Thony Dizon, hinihimok nila ang mga sumasali sa Brigada Eskuwela na gumamit ng water based na ligtas kaysa oil based paint kung kinakailangan.
Dapat pangalagaan ang mga estudyante na silang makakalanghap ng lead content sa mga hindi ligtas na pintura
By: Judith Larino