Isinusulong ng kampo ni Senador Bong Bong Marcos kay Incoming President Rodrigo Duterte na bumuo ng lupon na mag iimbestiga sa mataas na bilang ng undervotes sa Vice Presidential Race.
Ayon kay ABAKADA Partylist Representative Jonathan Dela Cruz, Campaign Adviser ni Marcos matututukan sa imbestigasyon ang mga iregularidad at kakulangan sa nangyaring Automated Election System ngayong 2016.
Muling ipinabatid ni Dela Cruz na maghahain sila ng Electoral Complaint para malinawan ang mga isyu at concerns na nangyari sa Vice Presidential Elections.
Mayroon aniya silang Tatlumpung araw para isampa ang protesta ngayong nai proklama na si Incoming Vice President Leni Robredo.
By: Judith Larino