Ganap nang naiproklama ng Kongreso ang pagkapanalo nila Rodrigo Duterte at Leni Robredo bilang bagong pangulo at pangalawang pangulo ng republika ng Pilipinas.
Pasado alas-4:00 ng hapon kahapon nang aprubahan sa isinagawang joint session ng Senado at Kamara ang committee report na inihanda ng National Board of Canvassers.
Tulad ng inaasahan, no show sa nasabing proklamasyon si President-elect Duterte kaya’t tanging kamay lamang ni Robredo ang itinaas nila Senate President Franklin Drilon at House Speaker Sonny Belmonte.
Pagmamalaki naman ni Senador Koko Pimentel, co-chair ng NBOC, ang ginawang bilangan ng boto ngayong taon ang pinakamabilis sa kasaysayan.
Bahagi ng pahayag ni Senator Koko Pimentel
Ngunit bago ito, nagbigay muna ng kaniyang privilege speech si Abakada Rep. Jonathan dela Cruz hindi upang kuwestyunin ang NBOC report kundi upang ilahad ang mga nangyaring iregularidad umano noong halalan.
Bahagi ng pahayag ni Representative Jonathan dela Cruz
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)