Muling nakapasok sa NBA Finals ang defensing champion na Golden State Warriors.
Pinataob ng Golden State ang Oklahoma City Thunder sa score na 96-88 sa home court ng Warriors sa Oracle Arena sa Oakland, California.
Naging crucial ang laban sa huling 2 minuto ng last quarter makaraang lumapit ang iskor sa 90-86.
Gayunman muling iniangat ng Warriors ang kalamangan sa 96-86 sa nalalabing 26 seconds ng 4th quarter matapos magpakawala ng tres si Stephen Curry para sa Warriors.
Makakaharap muli ng defending champions ang Cleveland Cavaliers sa Finals sa Biyernes.
By Drew Nacino
Photo Credit: Ezra Shaw/Getty Images