Isa pang atleta ang nagpahiwatig ng pag-atras sa RIO olympics sa Brazil sa Agosto dahil sa takot sa Zika virus.
Aminado ang Spanish Basketball Superstar at Chicago Bulls Center Pau Gasol na ikinukunsidera niya ang pag-atras lalo’t hindi lang naman siya ang nangangamba para sa kanyang kalusugan.
Umaasa si Gasol na magbibigay ng mga beripikadong impormasyon ang mga National Olympic Committee at International Health Organization hinggil sa sitwasyon sa Brazil upang makapag-desisyon ng maaga ang mga atleta.
Sa larangan naman ng tennis, hindi na rin makikibahagi sa olympics ang iba pang atleta gaya nina John Isner ng US, Bernard Tomic ng Australia at Feliciano Lopez ng Spain.
Bagaman batid na may Zika Virus Outbreak sa Brazil, nagtataka naman ang Spanish Tennis Superstar na si Rafael Nadal sa pag-atras ng kanyang mga kapwa manlalaro lalo’t ang olympics ang nag-iisa at pinaka-prestihiyosong sports event sa mundo.
Samantala, tutuloy pa rin sa naturang event ang world’s number 1 tennis player ng women’s division na si Serena Williams subalit sobrang ingat na ito sa kanyang kalusugan.
By: Drew Nacino