Nais paimbistigahan ni Senador Tito Sotto III ang umano’y kumakalat na Muscle Spray sa mga party at siyang ginagamit ng ilang kabataan para ma-high.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sotto na nakarehistro ang nasabing Muscle Spray bilang produkto para sa pain relief at mabibili sa mga drug store at internet sa halagang Pitong Daan at Limampu hanggang Isang Libo at Limang Daang Piso.
Hinala ni Sotto, maaaring isa ang tinukoy niyang Muscle Spray sa mga ginamit ng mga biktima sa MOA concert grounds sa Pasay City noong Mayo 21.
Dahil dito, hinimok ni Sotto ang Dangerous Drugs board, PDEA, at FDA na tukuyin ang pangangailangan ng patakaran sa pagbili ng naturang Muscle Spray.
Sinasabing walang tigil na pagtawa at iregular na tibok ng puso ang epekto ng pagsinghot ng Ethyl Chloride na siyang sangkap ng muscle spray ngunit kapag nakamamatay kapag mali ang paggamit.
By: Avee Devierte