Nakatakdang humarap ang apat na American servicemen sa korte ngayong araw sa pagpapatuloy ng pagdinig nito sa kaso laban kay Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay sa pagpatay kay Jennifer Laude.
Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya Laude, ito ay dahil nabigong tumestigo ang apat dahil naubos ang oras ng korte nang sumalang si Dr. Reynaldo Dave, ang medico legal officer nag-conduct ng autopsy sa bangkay ni Laude.
Tatlo sa nasabing mga sundalong Amerikano ang sinasabing kasama ni Pemberton na nagpunta sa Ambyanz Disco Bar kung saan nakilala nito si Laude.
By Rianne Briones