Binati ng Korte Suprema sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo bilang bagong halal na Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Binasa ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te ang mensahe ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagtitiyak ng kanilang pagsuporta sa bagong liderato ng bansa.
Umaasa rin si Sereno ani Te na magagampanan ng bagong administrasyon ang tungkulin nito na paglingkuran ang bayan at mapamahalaan ng husto ang mga Pilipino.
Bahagi ng pahayag ni SC Spokesman Atty. Theodore Te
TRO
Itigil na ang pag-iisyu ng temporary restraining order o TRO.
Ito ang panawagan ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga korte sa bansa.
Binigyang diin ni Duterte na pinagkakakitaan lang umano ito ng mga tiwaling hukom at mahistrado.
Giit pa ng incoming president, magpapadala siya ng kinatawan sa Korte Suprema para talakayin ang problemang idinudulot umano ng TRO.
By Jaymark Dagala | Jelbert Perdez