Isinugod sa Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor Santiago nitong Lunes, May 30.
Ito ang kinumpirma ng kampo ng senadora sa pamamagitan ng email sa mga miyemrbo ng media.
Inilipat din umano sa intensive care unit (ICU) ang senadora dahil sa kanyang iniindang sakit at komplikasyon nito.
Ayon kay Narciso Jun Santiago, mister ni Santiago, sa kabila ng sakit ay hindi nawawala ang sense of humor ng senadora.
Nagpaabot ng pasasalamat si Santiago sa kanyang pamilya, mga kaibigan, supporters at fans na nanalangin ng kanyang paggaling.
Matatandaang sumasailalim ang senadora sa anti – cancer pill trial para sa sakit nitong stage 4 lung cancer.
Kamakailan naman ay nagpaabot ng abiso si Santiago sa extension ng kanyang medical leave sa senado matapos makaranas ng anorexia dahil sa kanyang iniinom na gamot.
By Rianne Briones