Matapos ang 15 buwan ng pagiging couple ay hiwalay na ang pop star na si Taylor Swift at boyfriend producer na si Calvin Harris.
Ayon sa report nangyari ang break up noong isang linggo ngunit nilinaw na wala naman umanong matinding away at drama na naganap sa pagitan ng dalawa.
Idinagdag din na tila naging mature ang dalawa sa pagharap sa kanilang mga issue sa relasyon at hindi pagkakapareho.
Ayon pa sa ilang entertainment outlet si Calvin ang nakipaghiwalay sa singer-songwriter.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan ng hiwalayan at wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa.
Nitong Marso lang ay ipinagdiwang nina Taylor at Calvin ang kanilang first anniversary sa pamamagitan ng isang beach getaway.
Tila gumuho naman ang pangarap ng Swifties na tuluyan nang magkaroon si Taylor ng ‘forever’ love.
Ito na kasi ang pinakamahabang naging relasyon ni Swift sa isang lalaki.
Ilan sa mga ex-boyfriend nito ay sina Harry Styles, Jake Gyllenhaal, Joe Jonas, Taylor Lautner, at Adam Young.
Kilala rin si Swift sa pagsusulat ng mga kanta patungkol sa mga dating karelasyon.