Isang hinihinalang Abu Sayyaf spotter at kasama nito ang naaresto ng mga otoridad sa Zamboanga City.
Kinilala ang suspek na si Alhnur Bacalso Usup, bente otso anyos alyas arab-arab at arab puti at kasamang si Jamal Sapie Labuan, trenta’y dos anyos.
Ayon kay Police Regional Office 9 Director, Chief Supt. Miguel Antonio Jr. , si Usup umano ang ipinapadala ng asg upang magsagawa ng surveillance sa mga potential kidnap target.
May warrant of arrest anya si Puti na inissue ni Judge Betlee-ian Baraquias ng Sulu Regional Trial Court at may patong sa ulo na 200,000 pesos kaugnay sa kaso ng 2014 Talipao Massacre.
By: Drew Nacino