Nanawagan ang College Editors Guild of the Philippines o CEGPna tutukan na lamang ni incoming President Rodrigo Duterte ang pagprotekta sa malayang pamamahayag sa Pilipinas.
Reaksyon ito ng CEGP matapos ang naging pahayag ni Duterte hinggil sa pagiging hindi exempted ng mga tiwaling mamamahayag na mapatay.
Ayon sa CEGP, nakababahala ang tinuran ni Duterte kaugnay ng media killings dahil bigo anitong unawain ng susunod na pangulo na culture of impunity ang dahilan ng mga pagpatay sa mga miyembro ng media.
Kasabay nito, binigyang-diin ng CEGP na bigo rin ang papatapos na administrasyong aquino sa pagresolba sa mga pagpaslang sa mga mamamahayag.
Nakaatang na, anito, ngayon sa administrasyong Duterte na solusyunan ang lumalalang culture of impunity sa bansa.
Dagdag pa ng CEGP, patuloy nitong kukondenahin ang anumang panggigipit at pagpaslang sa media personnel, ng campus press man o professional media organization.
By: Avee Deviete