Umabot na sa 54 na miyembro ng Maute Group ang napatay sa operasyong inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Lanao del Sur.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, 37 rito ang kumpirmado na samantalang ang iba pa ay kinukumpirma pa.
Tiniyak ni Padilla na hindi nila tatantanan ang Maute Group at babantayan nila ang mga nabawi na nilang kuta ng grupo upang hindi na makabalik ang mga ito.
Sinabi ni Padilla na mahalagang mapuksa na ang Maute Group upang hindi na magkaroon ng pagkakataong makapagpalakas ng kanilang grupo.
Target aniya ng Maute Group na makilalang konektado sa ISIS.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Clearing ops
Nagpapatuloy ang clearing operations ng militar sa mga lugar kung saan nagkaroon ng bakbakan sa Lanao del Sur.
Sinabi ni Padilla na nasa ikalawang bahagi na sila ng kanilang operasyon sa naturang probinsya.
Aniya, isinasagawa ang paglilinis sa lugar matapos masabugan ng bomba ang ilang sundalo.
Ayon kay Padilla, kailangang matiyak na walang mabibiktima ang Maute terrorist group sakaling bumalik sa kanilang tahanan ang mga nagsilikas na residente.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Len Aguirre | Jelbert Perdez | Ratsada Balita