Handang-handa na ang pulisya para sa thanksgiving party ni President-elect Rodrigo Duterte, bukas ng hapon sa Davao City.
Sinabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Davao City Police na inaasahang aabot sa 200,000 ang dadalo sa party at makabubuti kung magiging alerto din ang mga ito.
Binigyang diin ni Driz na bagamat libre ang pagdalo sa party, mayroon naman ibibigay na ticket bilang bahagi ng crowd control.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Milgrace Driz
Tinatayang 4,000 security personnel naman ang idedeploy sa thanksgiving party.
Ayon kay PNP Region 11 Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, simula alas-8:00 ng gabi ay isasara ang Crocodile Farm hanggang ala-6:00 ng umaga kinabukasan.
Magkakaroon anya ng 24 hour shift ang mga pulis na naka-deploy sa venue simula ala-6:00 ng umaga bukas.
Magsisimula naman ang “du31: one love, one nation thanksgiving party” ala-1:00 ng hapon hanggang ala-1:00 ng madaling araw kinabukasan.
PSG
Samantala, magkakahalo ang pakiramdam ng mga pulis na una nang nagpahayag ng kahustuhang maging bahagi ng Presidential Security Group (PSG) ni President-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Davao City Police, ito ay dahil hindi nila tiyak kung sa Maynila o sa Davao sila maitatalaga.
Sa kabila nito, sinabi ni Driz na masaya sila sa tiwalang ibinigay sa kanila ng susunod na pangulo ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Milgrace Driz
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas | Drew Nacino