Tiniyak ni incoming Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar na kanyang aayusin ang relasyon sa pagitan ni President-elect Rodrigo Duterte at ng mga mamamahayag.
Ito ay matapos umalma ang ilang organisasyon sa kanyang pahayag hinggil sa pagpatay sa mga mamamahayag.
Sinabi ni Andanar na nais din niyang muling palakasin ang government owned TV station na PTV 4 para magsilbing salamin sa mga proyekto ng susunod na administrasyon.
By Katrina Valle