Matapos ang apat na buwang pagkakakulong, pansamantalang nakalabas na ng kulungan si Lt. Col. Ferdinand Marcelino — ang dating PDEA agent na nahuli sa isang drug raid sa Sta. Cruz Manila noong Enero ng taong ito.
Mag-aala-7:30 kagabi ng makalabas si Marcelino sa loob ng PNP Custodial Center matapos makpaglagak ng surety bond na P93,000 pesos ang kanyang kampo.
Isang milyong piso ang itinakdang piyansa ng korte para pansamantalang makalaya si Marcelino.
Nakasuot ng unipormeng pangmilitar si Marcelino nang lumabas sa kulungan.
Inaaasahan naman na magrereport siya sa kanyang mother unit sa Armed Forces of the Philippines (AFP) anumang araw sa susunod na linggo.
Samantala, ang kasama ni Marcelino na naaresto sa drug raid na si Yan Yi Shou ay hindi pinayagan ng korte na makapagpiyansa.
By Jonathan Andal (Patrol 31)