Pansamantala munang ititigil ang military operation laban sa Maute Group upang magbigay daan sa paggunita ng mga Muslim sa Ramadan.
Ayon kay Army 103rd Infantry Brigade Commander Col. Roseller Murillo, bagama’t ititigil ang pagsalakay ay nanatili naman silang nakabantay sa grupo.
Hindi aniya sila magda – dalawang isip na muling umatake sakaling may gawin na namang krimen ang maute group kahit pa kasagsagan ng Ramadan.
Nitong Biyernes lamang nang makubkob ng militar ang kampong dating pagmamay-ari ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na napunta sa Maute Group.
By Rianne Briones