Pinaalalahanan ni vice president-elect Leni Robredo si president-elect Rodrigo Duterte na maging maingat sa kanyang mga pahayag sa publiko.
Kasunod ito ng kontrobersiyal na pahayag ng bagong pangulo kaugnay sa media killings at sa naging asal nito sa isang babaeng reporter.
Sinabi ni Robredo, bilang pinakamataas na lider ng bansa ay tinitignan ang bawat pahayag ng bagong pangulo bilang seryosong bagay o bahagi ng mga official policy.
Kaya’t nararapat na maging responsible at maingat ito lalo na sa mga sensitibong isyu sa lipunan tulad ng kababaihan upang maiwasan ang misinterpretation.
Sa huli ay muling siniguro ni Robredo na buong buo ang kanyang magiging suporta sa magiging pamamahala ng bagong administrasyon.
By: Rianne Briones