Tinukoy na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. ang mga flood prone area sa Metro Manila.
Ito’y upang abisuhan ang publiko partikular ang mga motorista sa mga lugar at kalsada na mabilis at kadalasang lumulubog sa baha.
Kabilang sa mga ito ang Rosario-Cainta road sa Kanto ng Tramo; Tapat ng shell, Imelda avenue sa bahagi ng Pasig green park;
Kanto ng Amang Rodriguez avenue at Marcos highway at south supermarket; c5 E. Rodriguez Jr. ave kanto ng Eagle street at Ortigas Avenue sa may de Castro subdivision;
Barangka, Marikina; Blumentritt, Dimasalang, Maceda, Dapitan, Laong Laan, Andalucia streets, España boulevard sa Maynila;
Sa bahagi ng Makati City, tinukoy din ang Buendia avenue, Edsa-Pasong Tamo tunnel; Edsa-Ayala tunnel at Magallanes interchange.
Marami ring lugar sa Pasay, Malabon, Navotas, Caloocan, Valenzuela, Paranaque, Las Piñas, Muntinlupa, Madaluyong, Taguig, San Juan, Quezon cities maging sa pateros ang kabilang sa flood prone area.
By: Drew Nacino