Aabot sa Sampung Libong personnel ang inaasahang madaragdag sa Philippine National Police ngayong taon.
Ayon kay outgoing interior Secretary Mel Senen Sarmiento, bahagi ito ng unang bugso ng kanilang “PO1 regular recruitment program.”
Dumaan anya sa masusing screening ang mga bagong pulis gaya ng drug test, face to face interview, psychological at psychiatric examination, complete background investigation, committee deliberation at iba pa.
Ilan sa mga bagong recruit na pulis ay ipapadala sa mga probinsya kung saan may presensya ng mga rebeldeng grupo tulad ng New People’s Army habang ang iba ay itatalaga sa special action force, maritime group at aviation security group.
Magsisimula ang kanilang serbisyo ngayong buwan ng Hunyo.
By: Drew Nacino