Magdaragdag ng Tatlongdaang bagong abogado ang Office of the Solicitor General o OSG para higit na matutukan ang mga kaso para sa pamahalaan.
Ayon kay incoming Solicitor General Jose Calida, kulang na kulang aniya ang kasalukuyang Dalawandaan at Limampung abogado ng ahensya na humahawak sa daan-daang kaso.
Bagama’t sinabi ni Calida na isang bentahe para sa OSG ang pagkakaroon ng mga may mahabang karanasan bilang litigation lawyer, bukas pa rin sila para tumanggap ng mga bagong graduate na abogado.
Ilan sa mga usaping tututukan ng mga bagong abogado ay ang ginagawang paghahabol ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Kasunod nito, sinabi ni Calida na nakipag-pulong na siya kay outgoing Solgen Florin Hilbay para sa is
ang maayos na paglilipat ng trabaho pagsapit ng Hunyo 30.
By: Jaymark Dagala