Plano ng papasok na administrasyong Duterte na ituloy ang lingguhang programa sa telebisyon ni incoming President Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon kay incoming PCOO Secretary Martin Andanar ay upang patuloy na mailatag sa publiko ang mga polisiya at programa ng pamahalaan.
Magugunitang tumigil sa pagsasahimpapawid ang programang Gikan sa Masa, Para sa Masa na isinasahimpapawid sa ABS-CBN Davao kasunod ng pagtakbo ni Duterte sa pagkapangulo.
Gayunman, sinabi ni Andanar na makikipag-usap siya kina incoming Cabinet Secretary Leoncio Evasco at Presidential Executive Asst. Bong Go para sa nasabing plano.
Mangangailangan din ito ayon kay Andanar ng approval dito mismo ni Duterte.
By: Jaymark Dagala