Pormal na ipinahayag ng mga mananampalatayang Muslim ang pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan, ngayong araw ng Lunes.
Ayon kay Bangsamoro Grand Mufti Abu Hureyrah Udasan, ito’y matapos na makita sa Malaysia ang buwan.
Paliwanag ni Udana, kailangang simulan ang pagpupuasa o pag-aayuno kahit hindi nakita ang buwan sa Pilipinas dahil ito ang ipinag-utos ng Allah sa pamamagitan ni Propeta Mohammad.
Mag-aayuno ang mga Muslim sa loob ng 29 o 30 araw, mula sa pagsikat ng araw hanggang paglubog nito.
Sa loob ng panahong ito, ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain, pag-inom, paninigarilyo at pakikipagtalik.
Samantala, maagang naghanda para sa isang buwang pag-aayuno ang mga ulama at ustadz sa Zamboanga City.
Sa Maguindanao naman ay may kompetisyon sa pagbabasa ng Qur’an sa tanyag na pink mosque.
Muli namang nagpaalala ang Department of Health-ARMM sa magandang epekto sa katawan ng pagpupuasa o fasting.
Ayon kay DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding, kapag nag-aayuno ang isang tao ay nakakapagpahinga nang maayos ang katawan nito at nakapag-metabolize nang mabuti.
By Jelbert Perdez