Matiwasay na naidaos ang thanksgiving party ni incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City.
Hindi natinag ng malakas na ulan ang mga tagasuporta ni Duterte na nagtipun-tipon sa Crocodile Park sa may Diversion Road.
Tinatayang aabot sa 300,000 ang nagsidalo sa nasabing pagtitipon tampok ang ilang lokal at national artists.
Ayon naman sa Davao City Police Office, generally peaceful ang isinagawang aktibidad bagama’t marami silang nakumpiskang ipinagbabawal na mga bagay tulad ng kutsilyo, back pack, lighter at iba pa.
By Jaymark Dagala