Tinatayang 100 miyembro na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pinagpapatay ng kanilang mga kasama.
Ito’y upang mabatid kung napasok ang ISIS ng mga espiya mula sa US led-coalition.
Ayon sa source ng Iraqi Armed Force, kabilang sa mga pinaslang ang 8 Dutch Jihadist sa Iraq habang ang ibang bangkay ng mga pinaghihinalaang taksil ay ibinitin ng bilang babala sa publiko maging sa mga ISIS member.
Binuhusan naman ng asido ang ilang mataas na opisyal ng ISIS at mga miyembro habang ang ilan ay pinugutan, binaril sa ulo sa harap ng mga bagong ISIS recruit o ginilitan.
Samantala, base sa impormasyon mula sa militar, nasa 660 na ang patay sa nagpapatuloy na bakbakan ng Iraqi Forces at ISIS sa Fallujah City, na isa sa mga pinakamalaking teritoryo ng terror group.
By Drew Nacino