Tali ang kamay ng MTRCB o Movie Television Review and Classification Board sa pagpapalabas ng press conferences at iba pang aktibidad kung saan nagmumura si incoming President Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni MTRCB Chair Toto Villareal na sa ilalim ng batas, hindi sakop ng MTRCB ang mga straight news na siyang kategorya ng mga live press conferences gayundin ang mga ipinalalabas ng government station.
Iminungkahi ni Villareal na makipagpulong ang mga news agencies sa National Council for Children’s Television na nagbabantay rin ng mga palabas na hindi para sa mga kabataan at sa mga networks na gumawa ng sarili nilang classification tulad ng parental guidance bago magpalabas ng live na press conference.
“Ang mga live TV conferences po ay they fall within the category of straight news o ang tinatawag na as it happens, walang pagkakaiba po kung merong kono-cover na hostage taking o briefing kapag may mga sakuna tayo. Nirerespeto at sinusuportahan ng MTRCB yung right at duty ng ating news agencies ng kanilang sariling self-regulation.” Pahayag ni Villareal.
By Len Aguirre | Ratsada Balita