Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpasok ng La Niña phenomenon.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, kabilang sa kanilang preparasyon ay pagsasagawa ng rescue training para sa mga barangay official at pagtatanggal ng mga bara sa mga waterway.
Gayunman, aminado si Carlos na hindi nila batid kung sapat ang kanilang mga paghahanda.
Isinailalim na rin anya sa upgrade ang kanilang mga pumping station gaya sa 85 flood-prone area tulad ng Araneta Avenue, sa Quezon City; Dapitan at V. Mapa sa Maynila; C-5 Bagong Ilog sa Pasig City; Edsa Pasong Tamo Tunnel, Edsa Ayala Tunnel sa Makati City.
By Drew Nacino