Nakaantabay pa si Governor Imee Marcos kung ipupursige ng kapatid niyang si Senador Bongbong Marcos ang pagsasampa ng election protest.
Ayon sa Gobernadora, hindi pa rin matanggap ng marami ang naging resulta ng Vice Presidential elections kung saan si Congresswoman Leni Robredo ang nanalo ng mahigit lamang sa dalawang daan at anim na pung libong boto.
Dagdag pa ni Governor Marcos, naging emosyonal ang mga matatanda dahil hindi nila maintindihan kung ano ang nangyari sa boto nila para kay Senador Marcos.
By: Avee Devierte