Malabo nang maihabol sa kasalukuyang kongreso ang pag-override sa veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS pension hike bill.
Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, gahol na sa oras para makakuha ng kinakailangang bilang sa kongreso.
Mungkahi ni Coloma, magpasa na lamang ng bagong batas ang seventeenth congress upang maisulong muli ang dagdag sa SSS pension.
Una nang ibinasura ng pangulong aquino ang SSS pension hike bill makaraang sabihin ng SSS mismo na hindi nito kakayanin hangga’t hindi tinataasan ang kontribusyon ng mga miyembro.
Sa nasabing panukalang batas, tataas ng Dalawang Libong Piso ang buwanang pension ng lahat na mga retiradong miyembro ng SSS.
By: Avee Devierte