Kinumpirma mismo ni reigning NBA MVP Stephen Curry ang hindi na paglalaro sa ilalim ng team USA na sasabak sa Rio Olympics.
Sinabi ni Curry na kinunsulta niya ang kanyang pamilya, ang kanyang team na Golden State Warriors at ilang malalapit na kaibigan bago nag-desisyong pagtuunan na lamang ng pansin ang kanyang kalusugan.
Binigyang diin ni Curry na sadyang malaking karangalang katawanin ang Estados Unidos subalit primary basketball related objective aniya niya ngayon matapos ang NBA Finals na ihanda ang kanyang katawan para na rin sa 2016-2017 season.
Magugunitang nitong weekend inihayag ni Curry na nagdadalawang-isip siya kung sasama sa preliminary squad ng team USA.
By Judith Larino