Kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman si dating Albay 1st District Rep. Edcel Lagman at anak na si Tabaco City Mayor Krisel-Lagman Luistro.
Base sa inihaing plunder complaint ng isang Fernando Cusi, iligal umanong ginamit ng kongresista ang kanyang pork barrel fund sa tulong ng kanyang anak simula 2007 hanggang 2010.
Nilustay umano ang pondo upang ipambili ng iba’t ibang ari-arian at ginamit na puhunan para sa kanilang mga negosyo.
Humirit din si Cusi na isailalim sa lifestyle check si Lagman dahil sa biglang yaman nito magmula nang maging miyembro ng Kongreso.
Dapat din anyang malaman kung paano ginamit ng kongresista ang kanyang pork barrel at saan ito napunta.
Kabilang sa negosyo ng pamilya Lagman ang ilang construction firm, fastfood chain, resort at memorial park.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)