Kinasuhan ng mga retiradong kawani ng Public Attorney’s Office o PAO ang kasalukuyang Budget Secretary na si Florencio Butch Abad.
Ito’y kaugnay sa pagharang umano ni Abad sa benepisyo ng may Apatnapung retirado nang abogado ng pamahalaan.
Kahapon, naghain ng Urgent Motion sa Quezon City Regional Trial Court ang mga PAO retirees kung saan, hiniling nito na ipatupad ng buo ang Republic Act 9406 o mas kilala bilang PAO Law.
Hiniling din ng mga PAO retirees sa korte na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO sa naging kautusan ng DBM na humaharang sa kanilang benepisyo.
Nakasaad kasi sa section 16 ng Republic Act 10071 o ang Prosecution Service Act of 2010 na hindi kumikilala sa mga abogado ng gobyerno para makatatanggap ng benepisyo maliban na lamang sa mga taga-usig ng pamahalaan.
By: Jaymark Dagala