Muling nanawagan ang China sa Pilipinas na isantabi ang inihain nitong reklamo sa UN Arbitral Tribunal.
Ito, ayon kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, ay upang maplantsa na ang gusot sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng bilateral talks.
Ginawa ni Wang ang pahayag sa gitna ng napipintong paglalabas ng Arbitral Court ng desisyon hinggil sa nasabing usapin.
Gayunman, hindi binanggit ng China kung ititigil na nito ang pagtatayo ng mga artipisyal na isla sa rehiyon.
Matatandaang isa sa mga kinuwestiyon ng Philippine government sa UN ay ang nine-dash line policy ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
By Jelbert Perdez