Ibibigay ni Senator Koko Pimentel kay Senator Allan Peter Cayetano ang chairmanship ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee sakaling manalo ito bilang senate president.
Ayon kay Pimentel, ito ay kung nanaisin itong pamahalaan ni Cayetano.
Ang Blue Ribbon Committee o Committee on Accountability ay ang komiteng iiwan ni outgoing Senator TG Guingona.
Matatandaang, nagnanais din si Cayetano na maging senate president ngunit ayon kay senate president Franklin Drilon, sigurado na si pimentel sa naturang pwesto matapos na makuha nito pagsuporta ng 17 senador.
By Rianne Briones