Tinatayang nasa 18 na ang patay sa pagbuhos ng malakas na ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Europa.
Ayon sa ulat, nalubog sa maputik na baha ang mga kalsada sa Belgium.
Napinsala naman pagtama ng kidlat at ipo ipo ang siyudad ng Hamburg sa Germany.
Samantala, ilang bahagi pa rin ng France ang nananatiling lubog sa baha habang 11,000 kabahayaan ang wala pa ring suplay ng kuryente dahil sunod sunod na pagtama ng kidlat sa naturang bansa.
By Ralph Obina
Photo Credit: PA/bbc