Magtatayo ng dalawa pang lighthouse ang China sa West Philippine Sea.
Sa ulat ng Xinhua News Agency, ikakasa ang konstruksiyon sa Mischief Reef at Fiery Cross Reef na kapwa matatagpuan sa Spratly Islands.
Ito’y bahagi umano ng lumalawak na land reclamation projects ng mga Tsino sa pinag-aagawang teritoryo.
Sinasasabing mamadaliin ito ng China para makapagbigay ng navigational services sa mga barko sa lugar.
Inaasahan namang matatapos na sa katapusan ng buwang ito ang isang modernong ospital sa Fiery Cross.
Tinukoy din sa report ang South China Sea bilang isang ‘critical maritime corridor’ na nag-uugnay sa Pacific Ocean at Indian Ocean.
Gayunman, kailangan umano ang mga makabagong pasilidad at kagamitan upang maramdaman ang kaligtasan at pag-unlad sa nasabing rehiyon.
By Jelbert Perdez