Pinapurihan ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na isalang ang may 50 bilanggo kada buwan sa parusang bitay.
Sa panayam ng Ratsada Balita kay VACC Spokesman Boy Evangelista, hindi siya pabor sa paraan ng lethal injection kundi mas isinusulong nila ang paraan na firing squad sa harap ng publiko.
Ayon kay Evangelista, isinusulong din nilang ma-cover ng tri media ang pagpapatupad ng parusang kamatayan.
Bahagi ng pahayag ni VACC Spokesman Mr. Boy Evangelista
Panahon na rin ayon kay Evangelista na palakasin na rin sa Pilipinas ang limang haligi ng criminal justice system tulad komunidad, law enforcement, prosecution service, mga husgado at ang correctional institution.
Bahagi ng pahayag ni VACC Spokesman Mr. Boy Evangelista
Umaasa rin si Evangelista na mamadaliin ng kongreso ang muling pagbuhay sa parusang bitay sa bansa.
Sinabi ni Evangelista na bagamat hindi retroactive ang pagpapatupad nito, sana ay magkaroon na din ng exemption at ipataw na ito sa mga bilanggong na-convict na.
Binigyang diin ni Evangelista na dapat patawan din ng parusang bitay ang mga carnapper at iba pang nambibiktima sa mga may trabahong buy and sell ng mga sasakyan.
Bahagi ng pahayag ni VACC Spokesman Mr. Boy Evangelista
Anti-death penalty
Hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ng mga biktima ng krimen.
Ito ang balik ni Evangelista sa mga tumututol sa pagpapatupad muli ng parusang kamatayan.
Binigyang diin sa DWIZ ni Evangelista na dapat maprotektahan ang karapatan ng mga biktima kayat dapat maibalik kaagad ang death penalty.
Bahagi ng pahayag ni VACC Spokesman Mr. Boy Evangelista
By Jaymark Dagala | Judith Larino| Katrina Valle | Ratsada Balita